Localized lockdown sa ilang bahagi ng San Mateo, Rizal pinalawig

Pinalawig nang pitong araw ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang bahagi ng San Mateo, Rizal.

Ayon sa pamahalaang lokal ng San Mateo, ito ang naging pasya ng San Mateo Task Force COVID-19 kasunod ng rekomendasyon ng Municipal Health Office.

Iiral pa rin ang localized lockdown hanggang August 31 sa mga sumusunod na lugar:

Barangay Banaba:
– North Libis
– Banaba Extension

Barangay Sto. Niño:
– Avocado Street
– Back Chapel

Barangay Silangan:
– Gloryville, Guyabano Street
– Buntong Palay 2
– Buntong Palay 3

Sa kasagsagan ng localized lockdown, mas limitado ang galaw ng mga residente para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Papayagan lamang makalabas ang mga essential worker.

Maaari pa rin namang bumili ng pagkain o ng mga iba pang pangangailangan sa pamamagitan ng quarantine pass.

Kailangang nakasuot din ng face mask at face shield at sundin ang social distancing.

Read more...