Global death toll sa COVID-19 mahigit 817,000 na

Sumampa na sa mahigit 817,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 817,005 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 181,114.

Sumampa naman na sa mahigit 115,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 60,000.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 115,451
Mexico – 60,800
India – 58,546
UK – 41,433
Italy – 35,441
France – 30,528
Spain – 28,872
Peru – 27,813

Sumampa naman na sa mahigit 16.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

 

 

Read more...