Pagpapauwi ng LSIs sa Samar suspendido muna

Sinuspinde ni Samar Gov. Reynolds Michael Tan ang pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa lalawigan.

Kasunod ito ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na karamihan ay pawang umuwing LSI sa Samar.

Nagsimula ang moratorium ngayong araw August 25 at tatagal hanggang hatinggabi ng September 24.

Hanggang kahapon, araw ng Lunes, mayroon nang 719 na kaso ng COVID-19 sa Samar.

Kasabay nito nanawagan si Tan sa mga lokal na pamahalaan na kalapit ng Samar na magpatupad ng parehong moratorium.

 

 

 

 

Read more...