Ayon kay Defense and National Security Vice Chairman Ruffy Biazon, malinaw na terorismo ang ugat ng pag-atake.
Umaasa ang kongresista na may masampulan at may mapanagot sa insidenteng ito sa ilalim ng pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law.
Sinabi naman ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na ang naganap na trahedya ay isang matinding paalala kung bakit kinakailangang labanan na ang terorismo sa bansa.
Nanawagan si Nograles sa Joint task force Sulu na tugisin ang mga nasa likod ng pagsabog at bigyang hustisya sa lalong madaling panahon ang mga biktima.
Hinimok naman ni Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan ang mga taga-Mindanao na manatili ang pagtitimpi at kahinahunan sa gitna ng gulo kasabay ng panghihimok sa mga otoridad na magsagawa ng isang malalimang na imbestigasyon.
Hinikayat din ng Mindanaoan solon ang LGUs na paigtingin at iprayoridad ang kaligtasan at seguridad sa bawat komunidad laban sa anumang posibleng pag-atake.