Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga nurse na magtrabaho muna sa bansa sa kasagsagan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan kasi na magkaroon muna ng clinical experience sa bansa ang mga nurse lalo na ang mga bagong graduate.
Kapag nag-apply aniya ang isang nurse sa emergency recruitment ng pamahalaan at nagtrabaho sa kasagsagan ng COVID-19, tiyak na pag-aagawan sila pagkatapos ng pandemya.
Sigurado aniyang magkukumahog ang mga head hunter na kunin ang mga nurse sa Pilipinas dahil nasubok na ang kanilang karanasan sa panahon ng pandemya.
Iginiit pa ni Roque na ang kasabihang charity begins at home.
Marami aniyang bakanteng trabaho ngayon sa gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES