Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Aug. 25) ay 23,801,715 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 212,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,915,616 matapos makapagtala ng mahigit 41,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 21,000 bagong kaso habang mahigit 59,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Spain ay muling umakyat sa pang-siyam sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Chile.
Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,627,217
India – 3,164,881
Russia – 961,493
South Africa – 611,450
Peru – 600,438
Mexico – 560,164
Colombia – 551,696
Spain – 420,809
Chile – 399,568