22 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Central Visayas

Sumampa na sa mahigit 18,370 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 22 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 24).

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,370 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,729 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,072 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 186 dahilan para umabot na sa 14,569 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,523 cases.

 

 

Read more...