Pagsanay ng mga terorista sa kanilang bombers posibleng online na din – Prof. Banlaoi

Ngayong abala sa online schooling ang mga kabataan at lahat ay nakatutok sa computer, laptop, at cellphones habang nag-aaral nagpaalala sa mga magulang ang isang national security expert.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni National Studies expert Prof. Rommel Banlaoi na posibleng online o modular na din ang pagsasanay ng mga terorista sa kanilang bombers.

“Baka ang mga terorista ay nag-oonline training na din, modular na din,” ayon kay Banlaoi

Ayon kay Banlaoi noon pa ay gumagamit na ng social media ang mga terorista sa pagre-recruit ng mga bagong miyembro.

Dahil dito, kailangan aniyang lubusang maging maingat ang mga magulang at maging mapagbantay sa kanilang mga anak na gumagamit ng social media.

“Social media na ang ginagamit sa recruitment, kaya ang mga magulang kailanagng bantayan ang mga anak, baka ma-brainwash, baka ma-indoctrinate,” ayon kay Banlaoi.

 

 

 

Read more...