Kaso ng COVID-19 sa Baguio City umabot na sa 287

Umakyat na sa 287 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Baguio City.

Ito ay makaraang makapagtala ng 3 pang bagong kaso sa lungsod.

Ayon sa datos ng Baguio City Public Information Office, nakapagtala din ng pito pang gumaling sa sakit.

Dahil dito, 191 na ang total number of recoveries sa Baguio City at 88 pa ang aktibong kaso.

Mayroong 6,969 na mga residente ng lungsod na sumasailalim ngayon sa 14-day quarantine.

 

 

Read more...