59 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng 59 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 2,248 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,381 ang mga gumaling sa sakit at 851 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Samar, at Eastern Samar.

Lima sa mga bagong kaso ay pawang healthcare workers habang ang karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.

 

 

Read more...