Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.1 na pagyanig sa 402 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-4:43 madaling araw ng Martes (August 25).

May lalim na 85 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian,intensities at aftershocks.

Una ng niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental kaninang ala-1:23 ng madaling araw.

 

Read more...