Uson, Masbate niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers northeast ng bayan ng Uson, alas-4:19 madaling araw ng Martes (August 25).

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na pagyanig sa Cataingan, Masbate noong Aug 18.

 

 

Read more...