Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

Epektibo na ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

May dagdag na 15 centavos sa kada litro ng gasolina.

Habang may bawas naman na 20 centavos ang kada litro ng diesel at 25 centavos ang kada litro ng kerosene.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (Aug. 25) naging epektibo ang price adjustment ng kumpanyang Petron, Shell, Seaoil, PTT, at Petro Gazz.

Alas 12:01 naman ng madaling araw kanina naging epektibo ang price adjustment ng kumpanyang Chevron.

Habang alas 8:01 ng umaga ang dagdag bawas ng CleanFuel.

 

 

Read more...