Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Burgos, Surigao del Norte.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 21 kilometers Northeast ng Burgos dakong 11:05 ng gabi.

Tectonic ang origin at 21 kilometers ang lalim ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...