Public address ni Pangulong Duterte, ipapalabas sa Martes ng umaga (August 25)

Photo grab from PCOO Facebook video

Naantala ang nakatakda sanang public address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes ng gabi, August 24.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy pa rin kasi ang pulong bandang 10:59 ng gabi.

Posible aniyang tumagal pa ang nasabing pulong nang isa pang oras.

Dahil dito, sinabi ni Roque na Martes na ng umaga (August 25), ipapalabas ang public address ng pangulo.

Read more...