Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na kung maaari ay kanselahin na ang pagsasagawa ng oral arguments sa mga petisyon para ibasura ang Anti-Terror Law.
Katuwiran ni Calidad sa kanyang urgent motion ay ang panganib na maaaring idulot sa kalusugan dahil sa pandemiya.
Sinabi pa ni Calida na maaaring malabag ang pagbabawal sa mass gathering kahit ikasa ang oral arguments sa pamamagitan ng video conference.
Binanggit pa nito na maaaring marami rin sa petitioners ay higit 60 taon, na ipinagbabawal ng IATF na lumabas ng kanilang bahay.
Hiniling nito sa SC na ikonsidera ang pagsusumite na lang ng mga argument o maglabas ng resolusyon na naglalaman ng mga tanong ng mga mahistrado at ang kanilang pambungad na pahayag.
MOST READ
LATEST STORIES