115 pang residente sa Western Visayas, tinamaan ng COVID-19

Nagpositibo ang 115 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 24, umakyat na sa 3,555 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,971 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 81.47 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

Pito naman ang gumaling pa kaya 1,530 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 54 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...