Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (August 24), 3,506 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
69+ pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,689 ang suspected cases.
42 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,521 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES