COVID-19 cases sa Muntinlupa City, halos 3,000 na

Nasa 2,944 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 7:00, Lunes ng gabi (August 24), sa nasabing bilang ay 798 ang aktibong kaso.

681 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 778 ang suspected cases.

Samantala, 2,038 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 108 naman ang nasawi.

Read more...