Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ng P140 bilyon na available funds habang P25.5B bilyon naman ang inilaan na standby fund.
Magbibigay dito ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga low-income households sa mga piling lugar na nasa ilalim ng hard lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, mga household na may kababalik na OFW at mga displaced workers.
Pinakamalaking bahagi ng pondo ay para sa pautang at assistance sa mga MSME – P39.47 bilyon, assistance sa agriculture at fisheries – P24 bilyon, dagdag na hiring ng healthcare workers- P13.5 bilyon, cash for work program – P13 bilyon, tulong para sa PUV drivers at iba pang programa ng DOTr – P9.5 bilyon, hiring ng dagdag na contact tracers- P5 Billion at pagtatayo ng temporary medical isolation at quarantine facilities gayundin ang expansion ng kapasidad ng mga government hospitals – P4.5 bilyon.
Binibigyan ng 60 araw na moratorium ang mga may utang sa bansa habang 30 araw naman na palugit sa mga hindi agad makakapagbayad ng kuryente, tubig, at renta
ng bahay o pwesto ng negosyo na nasa ilalim ng ECQ at MECQ.
Mayroon namang P25.5 bilyon na standby fund kung saan ang P10 bilyon ay para sa pambili ng COVID-19 vaccines at testing.
Ang Bayanihan 2 ay may bisa hanggang Disyembre ng taong 2020.