Magnitude 4.1 na aftershock tumama sa Bayabas, Surigao del Sur

Naitala ang magnitude 4.1 na aftershock sa Surigao del Sur.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang pagyanig sa layong 64 kilometers Northeast ng Bayabas bandang 4:59 ng hapon.

May lalim ang pagyanig na 4 kilometers at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock ng tumamang magnitude 5.8 na lindol sa Bayabas noong July 28, 2020.

Wala naman itong naidulot na pinsala sa nasabing bayan.

Read more...