Sabi ni Herrera, nakulangan siya sa mababang interest, non-collateral loans at pagbibigay ng 30-day grace period para sa pagbabayad ng commercial rents ng mga MSME sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Tinawag din nito na “too little, too late” na commercial rent relief sa mga MSME dahil makalipas ang anim na buwan ay marami nang pwesto ng mga maliliit na negosyo ang nagsara na dahil hindi na makabayad sa kanilang renta.
Ipinaalis din ng mambabats ang red tape sa susunod na COVID-19 relief package para sa mga MSME dahil ang problemang ito ang isa sa pumipigil sa pagusad ng mga negosyo sa gitna ng krisis.
Nanawagan din si Herrera na palawigin din ang nasabing tulong sa mga malalaking kumpanya na may maraming empleyado.
Umaasa ang mambabatas na ang P1.3 trillion na Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy o ARISE bill ang magsisilbing ikatlong economic stimulus package na pantugon sa iba pang pangangailangan para makabangon sa COVID-19.