Ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:01 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Tarlac at Nueva Ecija.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...