9 patay sa pagsabog sa Jolo, Sulu

Contributed photo

Nasa siyam katao ang nasawi kabilang ang limang sundalo sa pagsabog sa Walled City sa Jolo, Sulu.

Ayon sa inisyal na impormasyon, naganap ang pagsabog ng isang nakaparadang motorsiklo sa bahagi ng Plaza Rizal.

Nasa tabi ng sumabog na motorsiklo na sinasabing nilagyan ng maraming bomba ang M35 truck ng mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa nasabing insidente, limang sundalo at apat na sibilyan ang kaagad nasawi.

Pasado 1:00 naman ng hapon, isa pang pagsabog ang naganap di kalayuan sa lugar kung saan nadamay ang sasakyan ng pulisya.

Read more...