Ayon kay Romualdez, mula sa unang araw ng pagpapatupad ng batas ay imo-monitor nilang maigi ang paggugol sa pondong inilaan sa bawat ahensya ng gobyerno.
Hindi aniya katanggap-tanggap kung magkakaroon ng delay sa disbursement ng budget sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19.
Nakasaad sa inaprubahang Bayanihan 2 ang pagkakaroon ng P165 billion na pondo.
Sa ilalim nito, magkakaloob ng P5,000 hanggang P8,000 na emergency subsidy para sa mga low-income households sa mga piling lugar na kinailangang isailalim sa mahigpit na community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, mga households na may kababalik na OFW at mga displaced workers.