Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.2 lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Sa datos ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 5 kilometers northeast ng bayan ng Cataingan, alas-11:43 umaga ng Lunes (August 24).

May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate noong August 18.

 

 

 

Read more...