Branch 42 ng Dagupan City RTC sarado sa publiko hanggang Sept. 3; empleyado nagpositibo sa COVID-19

Sarado muna sa publiko simula ngayong araw, August 24 ang Dagupan City, RTC Branch 42.

Ang physical closure sa naturang branch of court ay tatagal hanggang sa September 3, 2020 batay sa memorandum na inisyu ni Executive Judge Caridad Galvez.

Ayon sa memo, sasailalim sa dinsinfection ang pasilidad makaraang isang empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing empleyado.

Inatasan naman ang mga empleyado ng korte na mag-work from home at istriktong sundin ang home quarantine.

Ang mga empleyado na nagkaroon ng close contact sa pasyente ay required na sumailalim sa swab test.

 

Read more...