Global death toll sa COVID-19 mahigit 812,000 na

Sumampa na sa mahigit 812,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 812,513 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 180,604.

Sumampa naman na sa mahigit 114,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 60,000.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 114,772
Mexico – 60,480
India – 57,692
UK – 41,429
Italy – 35,437
France – 30,513
Spain – 28,838
Peru – 27,663
Iran – 20,643

Sumampa naman na sa mahigit 16 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...