Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 30 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 23)
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,348 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,895 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,070 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 216 dahilan para umabot na sa 14,383 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,512 cases.
MOST READ
LATEST STORIES