Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas 2,189 na

Nakapagtala ng lima pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 2,189 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,348 ang mga gumaling sa sakit at 829 na lang ang aktibong kaso.

Ang limang bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte.

 

 

Read more...