Kiamba, Sarangani niyanig ng magnitude 4.6 at magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 237 kilometers southwest ng bayan ng Kiamba, alas-11:45 gabi ng Linggo (August 23).

May lalim na 551 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Samantala, naitala naman ang magnitude 4.4 na lindol alas 2:03 ng madaling araw.

Ang epicenter ng ikalawang pagyanig ay sa layong 126 kilometers southwest ng bayan ng Kiamba.

508 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian,intensities at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...