UST, bumuo ng komite para mag-imbestiga sa umano’y paglabag sa quarantine protocols ng kanilang men’s basketball team sa Sorsogon

Bumuo na ang University of Santo Tomas (UST) ng komite para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa umano’y paglabag ng kanilang men’s basketball team sa Sorsogon, Bicol.

“While we adhere to the belief that physical activity can have a profoundly positive impact on the students’ physical and mental health, we believe that the undertaking should be done in compliance with the guidelines issued by the government,” ayon sa pamunuan ng unibersidad.

“We always endeavor to support the concerted government effort to ensure that proper social and physical environments are in place,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ng UST na hindi nila kukunsintihin ang anumang paglabag sa mga ipinatutupad na regulasyon ng gobyerno.

“We wish to assure you that the University does not tolerate any form of violation of government regulation, and it responds promptly by taking the appropriate action,” ayon pa sa UST.

Read more...