26 pang Filipino abroad, gumaling sa COVID-19

Mayroong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 23, umakyat na sa 9,984 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,298 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

26 naman ang bagong gumaling kung kaya 5,953 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, nanatili sa 733 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,927 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,158 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 792 naman ang kaso sa Americas at 1,107 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...