Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (August 23), umabot na sa 189,601 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 55,236 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,378 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 99 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 32 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,998 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 16,459 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 131,367 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.