Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, galing sa isang pribadong grupo ang panawagan na revolutionary government.
“The call to establish a revolutionary government came from a private group and the organizers are free to publicly express their opinion,” pahayag ni Roque.
Sa ngayon, naka-focus ang atensyon ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
“The focus, however, of the Administration is addressing COVID-19 and mitigating its socioeconomic impact. The most pressing and most urgent concern, which requires the Executive’s full attention, is the gradual opening of the economy while safeguarding the people who are working, going back to work amid the pandemic,” pahayag ni Roque.
300 katao ang nagtipon-tipon sa Clark Freeport, Pampanga noong nakaraang linggo para talakayin ang revolutionay government.
Ayon may PNP chief Archie Gamboa, nakatanggap siya ng imbitasyon na may nakatakdang pagpupulong noong August 20 pero hindi siya nakasipot.
Ayon sa MRRD NECC, susulong sila sa Malakanyang para ipaabot kay Pangulong Duterte ang kanilang panawagan.