Na-repatriate na overseas Filipinos, nasa 144,795 na

Umabot na sa 144,795 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang August 22.

Nitong nagdaang linggo, sinabi ng kagawaran na aabot sa 9,505 ang napauwing overseas Filipinos.

Sa kabuuang bilang na 144,795, 55,159 o 38.1 porsyento ang sea-based habang 89,636 o 61.9 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Read more...