Bilang ng PCG personnel na gumaling sa COVID-19, 870 na

Pumalo na sa 800 ang bilang ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling sa COVID-19.

Sa datos hanggang August 22, 162 ang bagong napaulat na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, nasa kabuuang 870 na ang total recoveries sa hanay ng PCG.

Samantala, umabot na sa 997 ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.

Sa nasabing bilang, 127 pa ang aktibong kaso.

Isang tauhan naman ng PCG ang naka-confine sa ospital.

Read more...