Isa pang empleyado ng Kamara, tinamaan ng COVID-19

Inquirer file photo

Nagpositibo ang isa pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, ang bagong kaso ay bahagi ng Bills and Index Service.

Huli aniyang pumasok sa trabaho ang empleyado noong August 10 hanggang 12.

Na-confine aniya ang empleyado sa ospital dahil sa pneumonia.

Gayunman, stable naman aniya ang kondisyon ng empleyado.

Sinabi ni Montales na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng empleyado.

Sa ngayon, umabot na sa 51 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Sa nasabing bilang, 11 pa ang aktibong kaso.

Read more...