Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (August 22), umabot na sa 187,249 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 69,362 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,933 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 97 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 26 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,966 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 436 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 114,921 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.