38,646 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Mahigit 38,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, 38,646 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang August 22.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Para makita ang karagdagang listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/3gkyvfM

Maliban pa ito sa naitalang 54,073 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 8 hanggang 30.

Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/309ZvJV

Samantala, inilabas din ng PCG ang listahan ng negative RT-PCR test results ng 7,490 non-PCG lab IDs or barcodes na na-transmit ng Philippine Red Cross (PRC).

Para ma-access, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3j81Iwl

Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.

Read more...