Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 2,479 na

Mayroong napaulat na 66 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (August 21), 2,479 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 810 ang aktibong kaso.

145 ang itinuturing na probable cases habang 1,179 ang suspected cases kung saan 8,828 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 5 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 1,569 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

100 naman na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department, may naitalang kaso ng COVID-19 positive sa mga pasilidad ng Bureau of Fire Protection, PNP, at BJMP na sakop ng Mandaluyong.

 

 

Read more...