Paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino Jr., sinabayan ng protesta

Nagsagawa ng protesta ang ilang grupo kasabay ng paggunita ngayong araw ng anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino Jr.

Kabilang sa lumahok sa protesta ang Partido Manggagawa na nawagan ng pagbasura sa Anti Terror Law.

Inihalintulad din ng mga manggagawa sa panahon noong diktaduryang Marcos ang nararanasan ngayon ng mga obrero.

Anila, kung noon ay mayroong Ninoy vs Marcos, ngayon ay mayroong “manggagawa laban sa diktadurya”.

Nagbahagi din ng larawan ang grupo ng mga dumalo sa protesta na may bitbit na mga placard na may nakasulat na “Sobra na, Tama na, Laban na!

 

 

Read more...