Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 125 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA sa sandaling maging bagyo, papangalan itong Bagyong Igme.
Ito ang magiging pang-siyam na bagyo sa bansa ngayong taon, at pang-limang bagyo ngayong buwan ng Agosto.
Saglit lang mananatili sa bansa ang bagyo at agad ding lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas (Sabado, Aug. 22) ng gabi o kaya sa Linggo (Aug. 23) ng umaga.
Ang LPA at Habagat ay inaasahang magdudulot ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at sa lalawigan ng Rizal.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (Dona Dominguez-Cargullo/RadyoINQUIRER)