Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 2,823 na

Mayroong 37 pang bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Muntinlupa City

Dahil dito, 2,823 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 5:00 ng hapon ng Biyernes (Aug. 14), sa nasabing bilang ay 855 ang aktibong kaso.

700 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 1,034 ang suspected cases.

Samantala, 1,8645 na residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 104 naman ang nasawi.

 

 

 

Read more...