COVID-19 cases sa Kamara 50 na; isa pang staff ang nagpositibo sa sakit

Isa pang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, sinabi ni House Secretary-General Jose Luis Montales na umakyat na sa 50 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Ang naturang empleyado ayon kay Montales ay pumasok pa sa trabaho noong August 17 at 18.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Una nang nagpaalala si Montales sa mga empleyado ng Kamara na hindi nila kailangang pumasok “physically” sa trabaho lalo na kung nakaranas sila ng sintomas sa nakalipas na 14 na araw.

 

 

Read more...