31-anyos na ginang pumanaw sa Olongapo City dahil sa COVID-19

Nasawi sa COVID-19 ang isang 31-anyos na ginang na kasisilang pa lamang sa kaniyang sanggol.

Ayon kay Olongapo Mayor Rolen Paulino Jr. sumailalim sa cesarean procedure ang ginang noong August 14

Pitong araw matapos siyang makapanganak ay pumanaw ito.

Ang nasabing ginang ang ikaapat na pasyente sa Olongapo na nasawi sa sakit.

Wala namang inilabas na detalye tungkol sa kondisyon ng sanggol.

Ayon kay Paulino nakapagtala din ng limang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

 

Read more...