Ayon sa Jomalig rural health unit, mayroon na silang dalawang kaso ng COVID-19 sa bayan.
Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng COVID-19 case sa Jomalig mula nang magkaroon ng pandemic.
Ang dalawa ay kapwa “authorized persons outside residence” o APOR.
Ang unang pasyente ay 38 anyos na mula sa Sitio Salibunhot.
Ang isa naman ay 36 anyos na mayroong travel history sa Atinoman, Quezon.
33 katao na ang isinailalim sa home quarantine na parang nakasalamuha ng ikalawang pasyente.
MOST READ
LATEST STORIES