Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Aug. 2a) ay 22,848,904 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 266,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,746,272 matapos makapagtala ng mahigit 45,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 44,000 bagong kaso habang mahigit 68,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,505,097
India – 2,904,329
Russia – 942,106
South Africa – 599,940
Peru – 567,059
Mexico – 537,031
Colombia – 513,719
Chile – 390,037
Spain – 404,229