Baguio City nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Sa datos na inilabas ng Baguio City Public Information Office na nakuha ng Radyo INQUIRER, umakyat na sa 270 ang total COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang 101 ang aktibong kaso habang 161 naman ang gumaling na.

Nananatili naman sa walo ang bilang ng nasawi.

Mayroong 6,687 na mga residente sa Baguio City na sumasailalim ngayon sa 14-day quarantine.

 

 

 

 

Read more...