Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 9,394 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 9,394 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang araw ng Biyernes, August 21.

Sa nasabing bilang, 9,319 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

9,293 naman na kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,129 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit sa lungsod.

6,779 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 385 ang nasawi.

 

 

 

 

Read more...